Umabot na sa 44 ang kaso ng COVID-19 UK variant sa bansa matapos madagdagan ng panibagong 19 na kaso.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga naitalang kaso ng UK variant ay mula sa ika-anim na batch ng 718 samples na sinuri ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong Pebrero 8.
Ang tatlong kaso ng B.1.1.7 variant ay mula sa Davao Region na kinabibilangan ng isang 10-anyos at 33-anyos na lalaki at 54-anyos na babae na pawang may mga mild symptoms.
Dalawa naman ay mula sa Calabarzon na may 20-anyos at 76-anyos na babae.
Walo ang mga Overseas Filipino Worker na umuwi sa bansa, kabilang ang apat na lalaki at apat na babae na may edad 28 hanggang 53-anyos.
Patuloy namang beniberipika ng DOH kung saan galing ang anim na iba pa na naka-isolate na.
Tiniyak din ng kagawaran na nagkasa na sila ng case investigation at contact tracing sa nakasalamuha ng mga ito.