Bilang ng mga nakarekober sa COVID 19 sa Quezon City, umabot na sa 91%

38

Umabot na sa 91 percent ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, ito ay katumbas ng 20,012.


Sa ngayon ay 21,944 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Aabot na lang sa 1,313 ang kumpirmadong active cases sa lungsod.

Habang 619 na ang bilang ng mga pumanaw.

Facebook Comments