BILANG NG MGA NALUNOD SA SEMANA SANTA SA ILOCOS REGION, NASA WALO NA

Naitala ang walong casualty sa pagkakalunod sa panahon ng Semana Santa sa buong Ilocos Region ayon sa Police Regional Office 1.
Base sa datos ng PRO1, ang mga nasawi ay mula sa probinsiya ng Pangasinan, Ilocos Norte at La Union.
Sa nasabing bilang, apat sa La Union, tatlo sa Pangasinan at isa ay naitala sa Ilocos Norte. Dalawa sa mga nalunod ay siyam na taong gulang.

Isa dito ay nalunod sa swimming pool sa Bolinao at ang isa ay sa Garcia River sa Tubao La Union.
Isang 18 taong gulang na residente ng Bulacan ang dalawang araw nang pinaghahanap ng otoridad matapos malunod sa dalampasigan ng Bolinao.
Ayon sa Bolinao Police Station, nagpapatuloy pa rin ang rescue operation ng otoridad upang mahanap ang bangkay nito.
Samantala, mananatiling nakadeploy ang higit 6,000 pulis at force multipliers sa mga tourist destination ng rehiyon na bahagi ng Oplan Sumvac hanggan sa buwan ng Hunyo. | ifmnews
Facebook Comments