Bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19, halos walong libo na; DFA, nakapagtala ng isang recovery at isang binawian ng buhay sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

54

7,957 na o 1.93% ang kabuuang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19

Ngayong araw, muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 95 na bagong binawian ng buhay dahil sa nasabing virus.


1,383 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 412,097.

Ang aktibong kaso naman ay 29,474 o 7.2%.

143 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries na ay 374,666 o 90.9%

Samantala, isa lamang ang recovery at isa rin ang binawian ng buhay na Pilipino sa abroad dahil sa COVID-19.




Bunga nito, ang total recoveries na ay 7,468 habang ang total deaths ay 833.

3 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 11,545

Ang active cases naman ay 3,244.

Facebook Comments