Manila, Philippines – Umakyat na sa apatnapu’t dalawa (42) ang bilang ng napatay sa unang dalawang linggo pa lamang ng oplan double barrel reloaded ng Philippine National Police.
Batay sa datos ng PNP, as of 6 a.m. ngayong araw, pinakamaraming bilang ng napatay ay mula sa region 3 na umabot sa dalawampu’t tatlo (23).
Paglilinaw ng PNP, nanlaban sa mga pulis ang mga naitalang patay sa kanilang operasyon.
Dalawa naman ang naitalang patay sa hanay ng pulisya habang tatlo ang sugatan.
Umabot na rin sa mahigit 2,800 ang naarestong drug suspects kung saan pinakamarami dito ay mula sa Calabarzon at region 7.
Samantala, sa ilalim naman ng oplan tokhang revisited, nasa 123, 603 na ang nakatok na bahay ng PNP na nagresulta ng pagsuko ng 13, 574 na drug personalities.