Pumalo na sa 11 ang nasawi habang pito ang nawawala matapos ang pananalasa ng bagyong Maring.
Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong indibidwal naman naitalang nasugatan.
Aabot naman sa 19,147 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo habang 3,221 residente ang nananatili sa mga evacuation areas.
Nasa 45 flooding at 14 landslide ang naiulat sa Region 1, Region 2, MIMAROPA, Region 6, CARAGA at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang 44 kalsada at 10 tulay ang hindi madaaanan sa Region 1, Region 2, MIMAROPA at CAR.
48 na lungsod at munisipalidad din ang nakaranasan ng power interruption.
Facebook Comments