Umabot na sa 11 ang nasawi habang dalawa ang nawawala at tatlo ang sugatan matapos manalasa ang Bagyong Dante sa ilang bahagi ng bansa.
Ito ay batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mahigit 26,000 pamilya naman o mahigit 122,000 indibidwal ang naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Dante sa Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5,6,7,8,11 12 at Caraga.
Sa bilang ng mga apektado, 241 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa anim na evacuation centers.
Umabot naman sa mahigit 91 milyong piso ang halaga ng napinsala ng Bagyong Dante sa sektor ng agrikultura habang mahigit 131 milyong piso ang damage sa imprastraktura.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang damaged assessment ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para matukoy ang mga nangangailangan pa ng tulong.