Bilang ng mga nasawi sa bagyong Usman, umakyat na sa halos 130 – NDRRMC

Sumampa na sa halos 130 ang patay dahil sa bagyong Usman.

Sa tala ng NDRRMC, 126 na ang naitalang nasawi habang nasa 75 ang sugatan mula sa rehiyon ng Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.

Aabot naman sa 26 katao pa ang pinaghahanap at sakop na ng search and retrieval operations.


Nasa 116 kalsada at apat na tulay sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas ang naapektuhan ng kalamidad.

Nalubog sa baha ang nasa 215 lugar sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas.

Tinatayang nasa higit 9,000 bahay ang nasira.

Nasa higit ₱55 million na halaga ng tulong mula sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga LGU at NGO ang ipinaabot sa mga apektadong kababayan natin sa Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.

Facebook Comments