‘War on drugs’, walang sasantuhin – Malacañang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na walang sasantuhin ang giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagkamatay ng dating Parang, Maguindanao Mayor Talib Abo Sr. sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – anuman ang katayuan at estado ng tao sa buhay, basta at dawit ito sa kalakalan ng ilegal na droga kamatayan ang kanilang hahantungan sakaling manlaban sa pag-aresto sa mga awtoridad.


Nakasaad aniya sa batas na pinapahintulutan ang state security forces na gumamit ng ‘mortal violence’ kung ang kanilang buhay na nalalagay sa panganib habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Tiniyak din ng Palasyo na hindi kinukunsidente ng pamahalaan ang anumang pagpatay na labag sa konstitusyon.

Facebook Comments