Manila, Philippines – Umakyat pa ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at teroristang Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Marine Col. Edgard Arevalo, nasa 387 na ang nasawi sa bakbakan kung saan 70 ay sa hanay ng gobyerno habang 290 naman sa panig ng mga terorista.
Dagdag pa ni Arevalo, 27 sibilyan rin ang pinatay ng Maute group.
Narekober naman ang nasa 347 na mataas na kalibre ng baril.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang opensiba ng pamahalaan laban sa teroristang grupo.
Facebook Comments