Banta sa buhay kay Pangulong Duterte, dapat seryosohin ayon sa Malakanyang

215

Manila, Philippines – Itinuturing ng Malakanyang na seryoso ang banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos ang mga napaulat na banta ng mga terorista laban sa pangulo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar – mahigpit ang seguridad na ibinibigay ng Presidential Security Group (PSG) kay Pangulong Duterte.


Prayoridad aniya ng PSG ang kaligtasan ng pangulo ngayong may nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.

Sa kabila nito, hindi naman ipinahayag ng palasyo kung kaugnayan sa banta sa buhay ng chief executive ang bihirang public appearance ng pangulo.

Facebook Comments