Defense Sec. Lorenzana, ipinagtanggol ang mga sundalo kasunod ng pangambang pang-aabuso sa mga kababaihan sa Marawi City

133

Manila, Philippines – Binanatan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang alegasyon nina Gabriela Partylist Rep. Arlene Brozas at Iglesia Filipina Independiente Priest Chris Ablon na natatakot na umano ang mga babae sa Marawi City sa pangambang gahasain ng mga sundalo.

Ayon kay Lorenzana, patuloy ang pakikipagbakbakan ng mga sundalo sa Maute group.

Binigyang diin pa ng kalihim na walang ibang intensyon ang mga sundalo kundi labanan ang mga terorista.


Malinaw aniya na paninira lamang sa imahe ng sundalo ang layunin ng mga ito.

Ipinunto pa ni Lorenzana na sumailalim sa iba’t-ibang pagsasanay ang mga sundalo kabilang ang pag-respeto sa karapatang pantao ng bawat isa, empowerment, equity, freedom from violence at iba pa.

Facebook Comments