Tuesday, March 3, 2026

Bilang ng mga nasawi sa nangyaring helicopter crash sa Pililla, Rizal, umakyat na sa dalawa

Umakyat na sa dalawa ang bilang ng nasawi sa nangyaring helicopter crash sa Upper Barak, Quisao, Pililla, Rizal alas-7:27 ng umaga kanina.

Kinumpirma ito ni Pililla Mayor John Masinsin sa isang social media post.

Ayon sa alkalde, dalawa sa mga sugatang biktima ay dinala sa Rizal Provincial Hospital (RPH) Morong habang ang isa naman ay nasa RPH Binangonan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.

Facebook Comments