Marawi City, Philippines – Umakyat sa 177 ang kabuuang bilang ng namatay sa gulo sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restitulo Padilla, nasa 36 ang namatay sa tropa ng gobyerno kung saan kasama na sa bilang ang mga nasawi sa sumablay na airstrike ng militar.
Aniya, wala namang ulat sa bilang ng mga nasugatang sundalo sa sablay na airstrike.
Nananatili naman sa 19 ang bilang ng mga sibilyang nasawi sa bakbakan ng militar at teroristang Maute Group.
Habang nasa 90 aniya ang napatay na mga terorista.
Nailigtas aniya ang 1,024 na mga sibilyan, mahigit pitumpung libong residente ang inilikas o displaced habang siyamnaput-walong armas ang narekober mula sa mga kalaban ng militar.
Sinabi pa ni Padilla, patuloy ang clearing operation ng AFP sa mga kuta ng Maute Group.
Patuloy din anya ang pagligtas sa mga naiwan pang residente at ang tulong sa lokal na pamahalaan para sa relief operation.
DZXL558