Dumadami ang natatangap na tawag ng National Patient Navigation and Referral Center o NPNRC na may kaugnay sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni Medical Specialist III and Operations Manager Dr. Bernadett P. Velasco sa Laging Handa briefing.
Aniya, umabot na sa 50 percent ang kanilang natatangap na tawag na may kaugnayan sa sakit na COVID-19.
Habang tumaas na rin sa 50 percent ang mga tawag na may kaugnayan sa non-COVID-related katulad ng mga pasyente ng stroke mga nagda-dialysis at tawag na humihiling ng pediatrician.
Sinasabi ni Velasco na may mga pagkakataon na hindi nila nasasagot ang tawag dahil nakadepende aniya ito sa dami ng call takers.
Pero nagtatagal lang naman daw ng 10 minuto ang hinihintay na isang caller bago ma-accommodate.
Ang nagiging proseso ayon kay Velasco ay tumutulong ang NPNRC sa paghahanap nang mas malapit na ospital na kailangan ng tumatawag.
Sa ngayon, bukas ang kanilang linya para tumulong sa mga naghahanap ng mas malapit na ospital o serbisyo.
Kailangan lang tumawag sa mga numerong 0919-977-3333 at 0915-777-7777.