Atty. Monalisa Dimalanta, itinalagang chairperson ng ERC

62

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Atty. Monalisa Dimalanta bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles.

Ayon sa kalihim, si Dimalanta ay alumni ng University of the Philippines (UP) at dating chief legal counsel at compliance officer ng Aboitiz Power Corporation.


Una na itong nagsilbi bilang chairperson ng National Renewable Energy Board (NREB).

Facebook Comments