Wednesday, November 18, 2026

Bilang ng mga pamilyang apektado ng El Niño, patuloy na nadaragdagan

Bilang ng mga pamilyang apektado ng El Niño, patuloy na nadaragdagan

Pumalo na sa mahigit 196 thousand family, o katumbas ng mahigit 496 thousand na indibidwal, ang bilang ng mga naapektuhan ng tagtuyot o El Niño mula sa anim na rehiyon sa bansa.

Base sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Management (DSWD-DRM), nagmula ang nasabing datos sa mahigit dalawang libong barangay sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bico Region, SOCCSKSARGEN, at CARAGA.

Samantala, nakapaghatid naman na ng mahigit P290 million na halaga ng humanitarian assistance ang ahensya sa mga apektadong pamilya, habang may P6 billion na available funds naman ang ahensa, para sa patuloy na pagpapaabot ng tulong.

Facebook Comments