Wednesday, November 18, 2026

Ilang world leaders, inaasahang darating ngayong araw para sa APEC Summit sa China

Inaasahang darating ngayong araw ang ilang lider ng mga bansa para dumalo sa APEC Summit dito sa Shenzhen, China.

Sa pagdating ng mga world leaders, inaasahang tatalakayin ang mga usaping pangkalakalan at ekonomiya na may direktang epekto sa mga bansa, kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz, malaking bagay na para sa Pilipinas ang makasama sa mga pag-uusap dahil dito napagdedesisyunan ang mga patakarang may epekto sa presyo ng mga produkto, suplay ng mga bilihin at kalakalan.

Maaari rin itong maging pagkakataon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagnegosasyon sa usapin ng taripa o buwis na ipinapataw ng ilang bansa sa mga produktong Pilipino.

May pagkakataon din ang pangulo na makausap ang mga lider ng malalaking bansa gaya ng United States, Russia at China.

Gayunman, sinabi ni FlorCruz na hindi pa tiyak kung magkakaroon ng bilateral meetings ang pangulo sa lahat ng lider dahil patuloy pa ang koordinasyon ng mga delegasyon.

Facebook Comments