
Maagang nagsagawa ng kanilang programa ang ilang katutubo sa lLiwasang Bonifacio para ipakita ang kanilang pagkontra sa pagtatayo ng Pax Silica.
Giit ng ilang katutubo, hindi nararapat ang nasabing proyekto dahil sa nakakasira ito sa kalikasan at lalo na sa kanilang kabuhayan.
Karamihan sa kanila ay matagal ng naninirahan sa Tarlac kung saan paliwanag nila na tila tinggalan ng karapatan ang mga katulad nilang katutubo sa lupa na kanilang kinalakihan.
Sinabi pa ng ilang katutubo, isa-isa na silang pinapaalis ng kaukulan partikular ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung kaya’t lubos na naapektuhan ang kanilang pamilya.
Bukod dito, wala rin kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanilang kinabukasan lalo na’t tila walang plano ang pamahalaan kung saan sila ililipat.
Isa rin sa kanilang tinututulan ay ang posibilidad na dayuhan ang maaaring mamumuno sa pagtatayo ng Pax Silica na ipinagbabawal sa batas.










