Mas mataas na ngayon ang bilang ng mga pasaherong dugmasa sa mga pantalan sa bansa tuwing Kapaskuhan kumpara sa naitalang noong pre-COVID-19.
Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago, batay sa kanilang monitoring ay naabot na ngayon ang pre-pandemic level ng bilang ng mga biyahero sa mga pantalan.
Sa Batangas Port, umabot na sa 25,000 ang bilang ng pasaherong naitala simula pa kahapon.
Dagsa rin ng mga biyahero na patungong Visayas sa pantalan sa Sorsogon.
Bunsod nito, inaasahan ng ports authority na magsisimulang bumaba na ang bilang ng mga pasahero ngayong araw, bisperas ng Pasko lalo na’t ang ilan sa atin ay nakauwi na ng kani-kanilang probinsya.
Facebook Comments