Aabutin ng 57 milyong mga pasahero ang mga pantalan batay sa forecast Ng Philippine Ports Authority (PPA) para sa buong 2022.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PPA Spokesperson Eunice Samonte na ang nasabing forecast ay mahigit sa kalahati ng bilang ng mga pasaherong naitala nuong 2021 na nasa 22 million.
Batay sa datos ng PPA as of Nov 30, 2022, nasa 52 million na ang kanilang naitalang pasahero sa iba’t ibang pantalan.
Dagdag ni Samonte na lumalabas din na nasa 50,000 mga pasahero kada araw ang kanilang daily average passenger rate.
Inaasahan aniya nilang patuloy na pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang pantalan ngayong holiday season.
Sinabi pa ni Samonte na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya para sa ligtas-biyahe at patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno katulad ng Philippine Coast Guard (PCG) maging sa mga force multiplier para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.