Nabawasan na ang mga pasaherong dumadagsa sa Ninoy Aquino International Airport terminals (NAIA) ngayong bisperas ng Pasko.
Simula kagabi ay mangilan-ngilan na lamang ang mga pasaherong naghahabol ng kanilang flights patungo sa mga lalawigan.
Maging ang mga pasaherong dumadagsa sa NAIA terminals mula sa iba’t ibang bansa ay nabawasan na rin.
Sa kabila nito, may mga flight pa ring delayed patungo sa mga lalawigan.
Wala naman sa ngayon na nararanasan ang mga pasahero ng kakulangan sa public transporation sa NAIA tulad ng Grab, metered taxis, P2P buses at regular taxis.
Una nang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista na kailangan ng maayos na railway system na magkokonekta sa paliparan tulad ng Metro Manila Subway.
Facebook Comments