Pagtulong sa kapwa, ipinalaala ni Speaker Romualdez ngayong Pasko

Mainit na pagbati ng maligayang Pasko ang mensahe ni House Speaker Martin Romualdez at kaniyang pamilya sa mamamayang Pilipino.

Ayon kay Romualdez, pangunahing dapat nating ipagpasalamat ngayong Kapaskuhan ang pagkakataon na makapagdiwang muli matapos ang halos tatlong taon na restrictions o paghihipit dahil sa Coronavirus pandemic.

Kaugnay nito ay panalangin ni Romualdez na ang bawat isa sa atin ay makapagbahagi ng biyayang ating natanggap sa mga higit na nangangailangan.


Sabi ni Romualdez, malaking bagay kung matutulungan nating mapasigla at mapasaya ang Pasko ng ating kapwa.

Dasal ni Romualdez na matagpuan natin sa ating mga puso ang tunay na kaligayan gayundin ang pag-iral ng lubos na kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan.

Facebook Comments