Patuloy na dumarami ang mga Pilipinong gumagamit ng messaging applications upang makipag-ugnayan sa mga negosyo.
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Meta at Boston Consulting Group (BCG), lumalabas na higit sa pito sa bawat sampung Pilipino o 71% ang gumagamit na ng business messaging apps.
Pumangalawa ang Pilipinas sa isinagawang survey kung saan nanguna ang Vietnam na may 73%.
Lumabas din sa survey na 38% ng mga Pilipino ang nakikipag-chat na nang mas madalas sa mga negosyo kumpara noong sumibol ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay BCG managing director at senior partner Anthony Oundijian, nag-udyok sa pagdami ng online engagement sa mga negosyo ang COVID-19 pandemic dahil sa ipinataw na lockdowns at social distancing protocols at pagbawal sa in-person business transactions.
Mababatid na pagmamay-ari ng Meta ang ilang social media platforms tulad ng Facebook at Instagram maging ang mga messaging apps tulad ng Messenger at WhatsApp.