Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, bahagyang tumaas sa 3rd quarter ng 2019

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa 3rd quarter ng 2019.

Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, naitala sa 21.5 percent ang joblessness rate o katumbas ng sampung milyong filipino adult na walang trabaho.

Mas mataas ito ng 0.7% sa naitalang 20.7% o 9.8 milyong Pilipinong walang trabaho noong Hunyo.


Ang nasabing bilang ay binubuo ng nasa 4.4 milyong resigned employees; 1.6 milyong mga bagong graduate at first time job seekers; at 3.9 na milyong mga natanggal sa trabaho.

Samantala, lumabas din sa survey na mayorya o 53% ng mga Pilipino ang positibong darami pa ang mga trabahong maaaring pasukan sa susunod na 12 buwan.

Nasa 13% naman ang naniniwalang mababawasan ang mga trabaho at 21% ang nagsabing walang mag-babago.

Isinagawa ang survey mula setyembre 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,800 mga adult respondents sa buong bansa.

Facebook Comments