
Bahagyang tumaas sa 5.4% ang unemployment rate sa bansa noong September 2026, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 2.86 million na Pilipinong walang trabaho o negosyo noong September 2026, na mas mataas kumpara sa 5.3% unemployment rate noong August 2026 at 3.8% noong September 2025.
Samantala, bahagya namang bumaba sa 94.6% ang employment rate noong September 2026, mula sa 94.7% noong August 2026.
Nangunguna naman sa mga sektor na may pinakamaraming manggagawa ang services sector, na may 62.2% o 31.29 million na manggagawa.
Pumapangalawa rito ang sektor ng agrikultura, na may 20.7% o 10.43 million na manggagawa, at ang industry sector, na may 17.1% o katumbas ng 8.60 million na manggagawa.
Facebook Comments










