Umabot sa mahigit animnapu (60) ang bilang ng mga mag-aaral ng Santa Josefa National High School sa Probinsya ng Agusan del Sur na sinaniban ng masamang espiritu.
Nilinaw ni Jhon Mark Soliven, School DRRM Coordinator, Hunyo 14 nitong taon na unang sinaniban ang anim na mga mag-aaral at nadagdagan sa huling linggo ng buwan, pero lalong lumobo ang bilang noong Hulyo 7, nang limampu’t pito (57) sa mga mag-aaral na dumalo sa aquintance party ng nasabing paaaralan ang sinaniban.
Lumabas sa ginawang imbestigasyon, na ilang beses nang nangyari ang umano’y pagsanib sa mga estudyante simula nang gumawa ng “Spirit of the paper,” ang isang grupo ng mag-aaral sa lugar.
Kahapon, Hulyo 12 balik eskwela na ang mga mag-aaral matapos ang dalawang araw na suspensyon sa klase at nitong linggo isailalim ang mga ito sa spiritual gawain tulad ng spiritual retreat, moral recovery program at spiritual stress debriefing.
Paalala naman ni Rev. Father Joshue Cadorna, dapat patatagin ang pananampalataya at magdasal para maiwasan ang paglapit ng masasamang espiritu.
tags: RMN Networks, DXBC 693, Straight to the Point, Sasie Babar, Agusan del Sur