Iilan na lamang na Locally Stranded Individuals (LSIs) sa Villamor Air Base Elementary School matapos ilipat ang mga ito sa Philippine Army Gymnasium sa Fort Bonifacio, Pasay City.
Patuloy naman silang binibigyan ng ayuda ng ilang ahensya ng pamahalaan sa kanilang pangangailangan sa araw- araw habang hinihintay ang kanilang rapid testing schedule na hinihingi ng Department of Health (DOH) bago sila mabigyan ng flight schedule.
Patuloy rin silang nakatatanggap ng food supply mula sa private civic groups.
Ayon kay Lieutenant General Gilbert Gapay ng Philippine Army, nakahanda silang kumalinga sa mga stranded na pasahero na naghihintay ng flights pauwi sa mga lalawigan.
Sa ngayon aniya, nasa isolation facility ang limang mga LSI na nagpositibo sa rapid testing kahapon na isinagawa ng Philippine Army.
Isasalang naman sila sa confirmatory o swab test ngayong araw.