May 32 mga lungsod at munisipalidad ang kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity.
Ito ang sinabi ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Palasyo ng Malacañang sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay sa epekto ng Bagyong Karding.
Sinabi pa ni Angeles, nasa 60,817 na indibibwal ang apektado nang nagdaang bagyo na kung saan, 46 libo ang nasa iba’t ibang evacuation centers.
Pero ayon kay Angeles, minimal pa rin ang naging epekto ng bagyo partikular sa buhay ng mga indibidwal na nasawi na umabot sa walo.
Malaking bagay aniya na nasanay na ang maraming Pilipino para sa maagang paglilikas kaya hindi mataas ang bilang ng mga namatay.
Facebook Comments