Bilang ng mga tauhan ng MPD na nagpopositibo sa COVID-19, nabawasan

Bumaba na ang bilang ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos ng MPD, bumaba na sa 83 ang bilang ng MPD personnel na nagpositibo sa COVID-19 , kumpara sa 92 na naitala kamakailan.

Ito’y matapos na madagdagan ang bilang ng mga gumaling kung saan umaabot na sa 757 ang total recoveries, habang 5 ang kabuuang bilang ng mga namatay.


Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco, sa 83 na mga tauhan nila na nagpositibo sa COVID -19 , 79 ang naka-quarantine , 2 naka-confine sa ospital at 2 ang naghihintay na mailipat sa quarantine facilities.

11 sa mga ito aniya ay police commissioned officer, 66 ang police non-commissioned officer at 6 na non-uniformed personnel.

Facebook Comments