*Cauayan City, Isabela*- Tumaas ang bilang ng mga turista sa Lungsod ng Cauayan sa nakaraang limang buwan sa taong kasalukuyan batay sa datos ng City Tourism Office.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Maribel Eugenio,City Tourism Officer ng Cauayan City, aniya buwan ng marso at abril ang isa sa may pinakamataas na bilang ng mga turista.
May kabuuan na 5,502 mula sa iba’t ibang bansa gaya ng United States of America (USA), Israel at China ang dinarayo ang Lungsod ng Cauayan.
Pagmamalaki din ni Ginang Eugenio ang ilan sa mga pwedeng pasyalan sa Hacienda de San Luis gaya ng 14 stations of the Cross, paglalagay ng Horse back riding at ang pagsasaayos ng Science Centrum at Exhibit Room na matatagpuan din ang ilang obra ng mga sikat na iskultor na may imahe ng iba’t ibang ninuno sa bansa.
Sa ngayon ay iminumungkahi ng tanggapan ng City Tourism Office ang paghikayat sa ilang mga paaralan ng 14 clusters sa lungsod ang pagsasagawa ng ilang mahahalagang aktibidad upang higit na mas makilala pa ang lungsod sa itinatagong ganda pagdating sa turismo.
Patuloy naman ang paghikayat ni Ginang Eugenio sa mga turista na tuklasin ang ganda ng turismo sa siyudad na kilala rin bilang ‘Ideal City of the North’.