Bilang ng mga walang trabaho, bumaba ayon sa PSA

Inanunsyo ngayon ng Philippine Statistic Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho o negosyo batay sa February 2025 Labor Force Survey.

Ayon kay PSA Sec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, naitala sa 3.8 percent ang unemployment rate noong February 2025.

Katumbas ito ng 1.94 million na indibidwal na walang trabaho o negosyo.

Paliwanag ni Mapa na mas mababa ito sa January 2025 unemployment rate na naitala sa 4.3 percent.

Pero mas mababa ito sa 3.5 percent na naiatala naman noong February 2024.

Samantala, ang underemployment rate noong February 2025 ay bumaba rin sa 10.1 percent.

Mas mababa ito sa January 2025 ay naitala sa 13.3 percent na underemployment rate.

Kabilang sa mga pangunahing may pagtaas ng may trabaho o negosyo ay ang accommodation and food service activities, fishing and aquaculture, public administration and defense; compulsory social services, construction, at iba pang service activities.

Facebook Comments