
Muling pinadalhan ng Commission on Elections (Comelec) si Atty. Christian Sia matapos ang panibagong insidente ng diskriminasyon at gender-based harassment.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Sia sa isang campaign rally noong April 3 tungkol sa body size ng kaniyang babaeng staff, na tinawag niyang mataba.
Ayon sa Comelec, ang mga pahayag na ito ay may paglabag sa Anti-Discrimination and Fair Campaigning.
Binigyan lamang ng Comelec ng tatlong araw si Sia para mabigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag kung bakit hindi siya dapat kasuhan.
Kung hindi makakapagpaliwanag sa Comelec, posibleng masampahan ng election offense at humantong sa disqualification ang kaniyang sitwasyon ngayong eleksyon.
Facebook Comments