Bilang ng nasawi dulot ng paghagupit ng Bagyong Agaton, umakyat na sa 167!

Umakya na sa 167 ang bilang ng nasawi kasunod ng paghagupit ng Bagyong Agaton.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 151 dito ay naitala sa probinsya ng Leyte at Samar sa Eastern Visayas.

Habang 11 dito ay mula sa Western Visayas, tatlo mula sa Davao Region at dalawa sa Central Visayas.


Ayon pa sa NDRRMC, 110 ang nawawala kung saan 104 dito ay mula sa Eastern Visayas, lima sa Western Visayas at isa naman sa Davao Region.

Tinatayang nasa 582,548 pamilya o katumbas ng 1.9 milyong indibdwal ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Kaugnay nito, umaabot nasa mahigit 240 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang 6.9 milyong piso ang tinatayang halaga ng infrastructure damages dahil sa bagyo.

Facebook Comments