Pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SIM Card Registration Bill, malaking panalo para sa trolls ayon sa isang senador

618

Itinuring ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaking panalo para sa trolls ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SIM Card Registration Bill.

Sa ilalim kasi nito, minamandato ang pagrerehistro ng SIM cards at social media accounts ng bawat indibidwal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Drilon na hinayaan lang ng pangulo na magpatuloy ang trolls sa pagpapakalat ng kasinungalingan at galit na pwedeng maging hudyat ng gulo at pagkakawatak-watak.


Mababatid na ilang politiko partikular ang ilang miyembro ng Makabayan bloc ang pumanig sa pangulo bunsod ng pagkabahala sa access ng gobyerno sa pribadong impormasyon ng isang indibidwal.

Pinasinungalingan naman ito ni Drilon at ayon sa senador ay sapat ang inilagay na safeguards sa batas upang hindi ito maabuso.

Facebook Comments