Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa 845 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 na naitala sa buong lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos mula sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) as of July 07, 2021, isa (1) ang naitalang bagong COVID-19 related death ng probinsya; 63 na bagong positibong kaso at 76 na bagong gumaling.
Bumaba na lamang sa 526 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos gumaling ang 76 na tinamaan ng virus.
Tumaas naman sa 25,996 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nasa 27,367 na ang total cumulative cases ng COVID-19 sa lalawigan.
Samantala, nangunguna pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 kung saan mayroon pa itong 59 active cases na sinusundan ng City of Ilagan na may 47.
Tanging ang bayan naman ng Palanan sa probinsya ang walang kaso ng COVID-19.