Bilang ng nasawi sa diarrhea sa Quezon, umakyat na sa 6

Umakyat na sa anim na mga Dumagat ang nasawi sa diarrhea sa General Nakar, Quezon dahil sa kontaminadong tubig matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding.

Ayon sa Quezon Provincial Health Office, naitala ang unang fatality noong September 26 sa Barangay Lumutan.

Idineklarang dead-on-arrival ang pasyente sa Rural Health Unit ng Tanay, Rizal.


September 29 naman nang makapagtala pa ng mahigit 70 kaso ng diarrhea sa probinsya at nadagdagan pa ng lima ang nasawi.

Nakararanas din ang mga pasyente ng ubo at sipon.

Nagtungo na sa Barangay Lumutan ang team ng Provincial Health Office, General Nakar Rural Health Unit at ang Southern Luzon Command ng Philippine Army para magdala ng inuming tubig at gamot.

Nagsagawa rin sila ng medical mission at tinuruan ang mga katutubong Dumagat ng proper hygiene.

Facebook Comments