PNP MALLIG, TINANGHAL NA BEST MUNICIPAL POLICE STATION

26
Pinarangalan bilang Best Municipal Police Station sa buong Rehiyon Dos ang PNP Mallig, Isabela sa ginanap na selebrasyon ng ika-121st Police Service Anniversary ng PNP.

Personal namang tinanggap ni PMaj. Joel B Bumanglag, hepe ng pulisya ang iginawad na parangal sa kanyang pinamumunuang yunit.

Sinabi ng hepe na bunga ito ng kanilang pagod, sakripisyo at di-matumbasang serbisyo sa bayan. Nagpapasalamat naman ito sa LGU-Mallig; Religious sector, Academe sector, NGOs, at sa mga Barangay Officials ng lahat ng barangay ganun din sa mga stakeholders sa kanilang mga tulong at suporta upang maisagawa ang mga programa para sa kaayusan at kapayapaan ng bayan ng Mallig.

Ayon pa kay PMaj. Bumanglag, isang malaking karangalan aniya na sila ay bahagi sa natatanging kasaysayan na ang maging Best Municipal Police Station sa lambak ng Cagayan.

Facebook Comments