Umabot na sa 1.3 million ang bilang ng miyembro na Overseas Filipino Workers (OFW) ng Social Security System (SSS) nitong Mayo.
Ito ay umakyat ng 11.5% kumpara sa parehong period nitong 2020.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, napilitang magtrabaho ang mga Pinoy sa ibang bansa upang masuportahan ang kanilang pamilya lalo sa mga naapektuhan nitong pandemya.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot na sa 2.2 million ang OFWs sa iba’t ibang bansa noong April hanggang September 2019.
Facebook Comments