Bilang ng pasahero ng mga tren ng NCR, umabot na sa mahigit 14 milyon mula ng magbalik operasyon ito ayon sa DOTr

COURTESY: DOTr MRT-3 FB

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na umabot na ng 14,493,659 ang naitalang total ridership ng mga tren simula noong luwagan ng pamahalaan ang quarantine status sa National Capital Region (NCR).

Mula sa nasabing bilang, 7,274,716 ay sa LRT-1; 2,139,613 sa LRT-2; 3,976,440 sa MRT-3; at 1,102,890 sa PNR.

Batay sa datos ng DOTr, ang bilang naman ng mga tumatakbong tren ay nasa 24 sa peak hours ng LRT-1 at 18 tren sa off-peak hours, limang tren sa LRT-2; 18 tren sa MRT-3; at 10 tren sa PNR.


Matatandaan noong June 1, 2020 nang ibalik ng DOTr ang operasyon ng apat na nasabing rail lines na may limitadong pasahero at nagpatupad ng health protocols kontra COVID-19, alinsunod sa partial, gradual at calibrated approach.

Nagkaroon din ito ng pansamantalang tigil-operasyon noong August 4 -18, 2020 dahil sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at noong July 7-12, 2020, ang MRT-3 ay nagpatupad ng pansamantalang suspensyon ng operasyon nito.

Facebook Comments