Bilang ng Positibo sa COVID-19 sa Cauayan City, Halos 500 na

Cauayan City, Isabela- Pumapalo na sa 498 ang bilang ng may sakit na COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa tala ng Cauayan City Health Office as of September 19, 2021, muling nakapagtala ang Lungsod ng 130 na panibagong positibong kaso na nagdadala sa kabuuang bilang ng aktibong kaso sa 498.

Sa parehong araw ay walang naitala na gumaling mula sa sakit at wala rin naidagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19.


Sa 65 na mga barangays na sakop ng Cauayan City, nangunguna ang San Fermin sa may pinakamaraming active cases na may 85; sumunod ang District 1 na may 84 at pangatlo ang Minante 1 na may 35 na positibo pa rin sa COVID-19.

Patuloy rin na hinihikayat ang publiko na sumunod sa mga panuntunan habang ang lungsod ay nasa ilalim ng Hybrid General Community Quarantine Bubble na magtatagal hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments