Bilang ng Tinamaan ng COVID-19 sa Isabela, Nadagdagan Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng apatnapu (40) ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 15, 2021, mula sa 40 na New COVID-19 cases, dalawampu’t anim (26) rito ay naitala sa Lungsod ng Ilagan; tig-apat (4) sa bayan ng Tumauini at San Mariano; tig-dalawa sa bayan ng Benito Soliven at Lungsod ng Cauayan at tig-isa (1) sa bayan ng Roxas at Santiago City.

Mayroon namang naitalang gumaling ngayong araw na 47 COVID-19 patients kung kaya’t tumaas sa 3,129 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit sa probinsya.


Mula naman sa kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa probinsya na 3,660 ay 473 pa rito ang aktibo.

Sa bilang naman na 473 active cases sa probinsya, apat (4) rito ay mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t lima (25) na health worker; siyam (9) na pulis at 443 na Local Transmission.

Facebook Comments