Bilateral Meeting Nina Pangulong Duterte At Us President Obama, Wala Pang Petsa

12

UNITED STATES – Nanindigan si Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza na hindi personal ang atake sa mga naunang pahayag ni Duterte kay Obama.Sa interview kay Dureza, sinabi nito na pinag-isipang mabuti ng pangulo ang kanyang mga salita pero nagkaroon lang ito ng iba’t ibang interpretasyon.Kasabay nito, kinumpirma niya na walang eksaktong petsa kung kailan matutuloy ang nakanselang bilateral meeting ni Duterte kay Obama.Una nang sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na ipapaliwanag sana ni Duterte kay Obama sa naudlot na meeting ang problema sa iligal na droga ng Pilipinas.

Facebook Comments