Executive Session Ng Senado At Kongreso Sa Limitasyon Ng National State Of Emergency, Iminungkahi

8

MANILA – Pinangangambahan ni Senador Win Gatchalian na maabuso ang idineklarang State of Lawless violence ni Pangulong Rodrigo Duterte.Ito ay kasunod ng pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 14 na tao at sa nagpapatuloy na bakbakan ng militar at Abu Sayyaf Group sa Mindanao.Sa interview ng RMN kay Gatchalian, sinabi niyang dapat maging klaro kung hanggang kailan iiral ang National State of Emergency.Nilinaw niya na importanteng matalakay ng kongreso at senado ang guidelines ng umiiral na State of Lawless Violence sa bansa para makampante rin ang taumbayan sa ilang pangamba ukol dito.Iginiit niya na kapag hindi naging klaro ang limitasyon nito ay pwede itong maabuso.

Facebook Comments