Bilateral Talks ni P-Duterte at US President Trump, inaayos na

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na inaayos na ang posibleng bilateral meeting nila Pangulong Rodrigo Duterte at ni US President Donald Trump.
Sa interview ng Malacañang Press Corps kay Cayetano ay sinabi nito na naghayag ng interes ang dalawang paning na magkita ang dalawang lider sa pagbisita ni President Trump sa Asia sa susunod na buwan.
Nabatid kasi na plantsado na ang pagdalo ni Trump sa APEC meeting sa Vietnam at sa ASEAN Meeting dito sa Pilipinas sa Nobyembre.
Sinabi ni Cayetano, hindi pa nila alam kung sa Vietnam o dito sa Pilipinas magaganap ang pulong nila pangulong Duterte at Trump pero sa mga oras na ito aniya ay patuloy ang koordinasyon ng dalawang panig.

Facebook Comments