Bilihan ng boto gamit ang makabagong teknokohiya, binabantayan ng COMELEC

Mino-monitor na ng Commission on Election (COMELEC) ang bentahan at bilihan ng boto gamit ang mga teknolohiya.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nakikipag-ugnayan na sila sa mga institusyon na may kinalaman sa pananalapi upang masilip ang mga kaduda-dudang transaksyon.

Kasama aniya sa tinututukan nila ay ang mga nagpapasok ng malaking halaga sa isang account at saka ipapasa na maliliit na halaga sa maraming mga account.


Sinabi ni Jimenez na kailangan ding makipagtulungan ng mismong mga may-ari ng online at money transfer at banking para madaling makita ang mga kaduda dudang transaksyon.

Facebook Comments