Billiard Legend na si Efren Bata Reyes, tinalo ang Thai Opponent sa Sea Games Carom  

4601

Hindi pa rin kumukupas ang galing ni Billiard Legend na si Efren ‘Bata’ Reyes matapos talunin ang pambato ng Thailand, 100-37 sa Carom Event.

Ayon kay Reyes, hindi siya nagpapakampante dahil magaling rin ang kanyang kalaban.


Sa Quarterfinals ng Women’s 10-Ball Pool Singles, tinalo ni Two-Time Sea Games Gold Medalist Chezka Centeno ang pambato ng Thailand, 7-3.

Dinispatsa naman ni Pinay Cue Master Rubilen Amit ang pambato ng Vietnam para ma-secure ang pwesto sa Semifinals sa 10-Ball Women’s Singles.

Tuloy sa Semifinals ng Snooker Category sina Alvin Barbero at Jefrey Roda matapos talunin ang Team Thailand sa Men’s Double.

Sa Boxing, panalo sa kani-kanilang laban sina Josie Gabuco, Aira Villegas, Carlo Paalam, at Irish Magno.

Facebook Comments

From Advertisers