Bilyon-bilyong halaga ng cash, naipuslit sa bansa noong 2019; panukala para sa mahigpit na parusa sa mga sangkot sa bulk cash smuggling, tinalakay na sa Kamara

59

Tinatayang aabot sa mahigit ₱78 billion ang halaga ng pera na iligal na nakapasok sa bansa noong nakaraang taon.

Sa pagdinig ng House Ways and Means Committee tungkol sa pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa hindi otorisadong pagpasok ng malalaking foreign currency sa bansa, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng komite, natukoy na ₱28.6 billion ang smuggled cash na nakalusot sa bansa mula sa apat na sindikato noong 2019.


Samantala, hinihinala naman na ₱50.1 billion pa na halaga ng pera ang naipuslit sa Pilipinas noong nakaraang taon na hindi pa rin nakikita hanggang ngayon.

Sa pagdinig naman ng komite sa House Bill 6516 ay iginiit ni Salceda na kailangan na ng agarang reporma laban sa bulk-cash smuggling dahil ikinukunsidera ng inter-governmental watchdog na Financial Action Task Force (FATF) na “red flag” ang iligal na pagpasok at paglalabas ng bultu-bultong halaga ng pera sa bansa.

Ayon din sa may akda ng panukala, ang bulk-cash smuggling ay isang potential source ng terrorist financing at sinasamantala rin ng mga syndicated crime groups.

Bukod dito, malaki rin ang implikasyon ng pagpapalusot ng malalaking halaga ng pera o cash sa bansa partikular na sa remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), sitwasyon ng mga financial institutions, at pagbagsak ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.




Sa ilalim ng panukala, ay kailangang mai-report agad ang one-time inbound o outbound transport ng cash na aabot sa ₱500,000.

Mahaharap naman sa kasong criminal at mabigat na parusa ang sinumang indibidwal, opisyal o otoridad na sangkot o nakipagsabwatan para magpuslit ng napakalaking pera sa bansa.

Facebook Comments