BINABANTAYAN | Mt. Kanlaon, nanatiling nakataas sa alert level 2

Mt. Kanlaon – Nananatiling nakataas ang alert level 2 sa Mt. Kanlaon sa Negros.

Dahil ito sa patuloy na pagkakaroon ng volcanic earthquakes na ngayon ay umaabot na sa 197.

Labing-apat sa mga naitalang pagyanig ay tumagal ng dalawa hanggang 30 minuto sa nakalipas na 24 oras.


Bukod dito, patuloy rin ang pagbubuga ng usok ng bulkan.

Patuloy namang inoobserbahan ng mga eksperto ang bahagyang ground deformation sa Mt. Kanlaon na una nang napansin noong 2015.

Facebook Comments