INSIDE JOB? | Sekyu ng pinagnakawan na hotel sa Pasay, iimbestigahan na rin

Manila, Philippines – Isasama ng Pasay PNP sa kanilang mga iimbestigahan ang security guard ng Mabuhay Manor matapos ang naganap na nakawan noong Martes.

Naging kahina-hinala ang mga naging kilos ng guwardya bago mangyari ang insidente kung saan sa CCTV footage hawak ng isa sa mga ito ang kaniyang cellphone habang panay ang pag-lingon sa mga guests at sa kabuuan ng hotel.

Ganito ang ginawa ng gwardya bago mangyari ang nakawan hanggang sa dinisarmahan na siya ng mga magnanakaw.


Nangako naman ang pamunuan ng Mabuhay Manor na makikipagtulungan sila sa mga otoridad sa imbestigasyon.

Matatandaan na aabot sa P33,000 na halaga ng kita ng hotel ang ninakaw ng mga suspek pati na ang pera at personal na gamit ng guest na si Dominador Gomez.

Facebook Comments